|
Practical Agri Tips on Organic Farming |
|
|
|
|
- Sa panahon ng Pagpupunla
• Kung SRI ang angkop na pamamaraan na iyong isinasagawa – isang mabisang paraan ng pagpupunla ay ang paggamit ng basyo na styrobox na pinaglalagyan ng prutas.
- Upang makaiwas sa pag-atake ng hanip, berdeng nguso ng kabayo at bakteryal blight sa panahon ng pagbulas, wag panatilihing may tubig ang linang, bagkus gawing basa lamang ito, hindi baha at tukusan ng tagbak – isang uri ng halamn na kapamilya ng lupa na may mabangong amoy na ayaw ng mga insekto.
- Ang pagtuloy sa pagspray ng Fermented Plant Juice (FPJ), Fish Amino Acid (FAA), at Fermented Fruit Juice (FFJ) sa panahon na namimilog ang katawan ng palay ay makakatulong upang madevelop ang pagbubunga nito ng malusog at makakaiwas sa pagkakaroon ng tulyanis o empty grain.
- Sa panahon naman ng paglalagay ng laman sa butil ng palay (grain filling stage), ay kailangang magspray ng FPJ, OHN at Calcium, upang mapanatili natin ang malulusog na butil at makaiwas sa pag-atake ng peste.
- Sa panahon ng pagaani at pagbibinhi
• Kung gagawa ng binhi sa panahon ng pag-aani, pimili ng lugar na may malulusog na bunga ng palay at walang bahid ng pagkakasakit, tanggalan ng halo bago gapasin at giikin lamang sa paa at ibilad sa malinis na bilaran.
- Sa panahon ng paghahanda ng pagtataniman, sa panahon ng Basag Linang, kailangan na magspray ng indigeneous microoganism ang natitirang puno ng palay na di pa nabubulok. Tatlong (3) litro kada ektarya sapat na para mabilis ang pagkabulok nito.
- Ang paggamit ng organic fertilizer sa kama ng punlaan ay makakatulong upang lumaki ng malusog at matitigas ang puno ng punlang palay, at huwag hayaang tumanda ang punla, mas bata, mas maganda, mas madami ang malilikha kapag itatanim ng bata.
- Panatilihin ang diversity ng sakahan (depende sa sukat o disenyo)
• Mag crop rotation • Mag multiple cropping (intercropping, relay cropping, mixed cropping, at multi-story cropping) • Mag-alaga ng iba’t ibang klase ng hayop (source ng manures, kita at pagkain). • Mag-iwan ng madamo o masukal na lugar sa paligid ng tanim (refuge) upang magsilbiing tirahan ng mga kaibigang kulisap.
- Pagandahin at panatilihin ang katabaan ng lupa, sa pamamagitan ng pagdagdag ng organikong pataba, sa paraang ito, tataas ang organic matter at patuloy na tataba ang lupa.
- Magtanim ng mga halaman at punong natural na mga insect repellants tulad ng tanglad, marigold at mint.
- Upang maiwasan ang pag-atake ng daga sa iyong palayan
Humuli ng isang daga at tahiin ito sa pwet, sa ganitong paraan, maglilikha ito ng tunog na sila lamang ang makaka-intindi, ito ay isang hudyat na magbibigay babala sa mga kapwa daga na mapangib ang lugar na iyon.
- Ilang paraan upang magising ang mga buto bago ito itanim
• Hot water Treatment – Mabilis na ibabad ang mga buto sa mainit na tubig, pagkatapos ay hayaan itong lumamig at itanim kaagad. Maari itong subukan sa buto ng palay, saluyot at iba pang makakapal at matitigas ang balat. • Scarification – Gamit ang liha, sugatan ang mga buto na may makakapal na balat, katulad ng chico, tiessa, kasuy at iba pa. • Water treatment – Para sa palay, ibabad ng magdamag ang mga buto. Sa munggo, basain at iincubate bago ito itanim. Para sa saluyot, kailangan panatilihing may tubig ang taniman bago ito tumubo.
- Upang makaiwas na mamatay o maging bansot ang halaman, huwag itong didiligan sa katanghaliaan. Ito ang tinatawag na pagkapasma, epekto ito ng biglaang pagbaba ng temperatura o paiba-ibang init at lamig sa mga tanim. Ang mainam na panahon upang magdilig ng halaman ay sa umaga at dapit hapon.
- Ang paghanay ng pananim sa silangan – kanlurang posisyon (east-west) ay nagbibigay ng mas maigi at mahabang pagka-expose sa liwanag ng araw, na nag-papabuti ng proseso ng photosynthesis, kumpara sa hilaga – timog na posisyon na nagkakaron ng agawan sa liwanag ng araw. Sa ganitong paraan mas mapapalago ang tanim at mapapadami ang ani.
|
|
Hit Counter
Content View Hits : 153409
Calendar
<< February 2012 >>
| Mo | Tu | We | Th | Fr | Sa | Su |
| | | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 |
| 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 |
| 13 | 14 | 15 | 16 | 17 | 18 | 19 |
| 20 | 21 | 22 | 23 | 24 | 25 | 26 |
| 27 | 28 | 29 | | | | |
News Archive
-
August, 2009
-
July, 2009
-
June, 2009
-
May, 2009
-
April, 2009
-
March, 2009
-
February, 2009
-
January, 2009
-
November, 2008
-
September, 2008
Enhancing, Labeling, Standards and Certification for Sustainable, Organic and Agriculture in the Philippines
Click here to download
Go Organic! Resource Book
OFSP - QIEC End Project Report
Go Organic Blog
Go Organic! @Wordpress.com
|