No. 25 Marunong Street.
Brgy. Central, Diliman, Quezon City
Telefax: (632) 433-7875
Infotext: (63) 917-5212210
info@goorganicphilippines.org

GoOrganic! Philippines

GoOrganic! Philippines

 

1 2 34

From the Ground Up: Developing organic communities

image

Sustainable agriculture technologies and organic fertilizer production technologies was shared to at least 600 farmers in seven rice producing cities/municipalities across the country under the OFSP Phase 1. Partnerships were also forged among local government units, non-government organizations, local farmers’ organizations, DA units and the private sector for collective initiatives promoting sustainable agriculture at the local level.

Organic FIELDS SMS Hotline

image

Our Infotext (SMS) Hotline will provide instant answers to queries on organic farming and requests for materials. Through mobile messaging, we will inform farmers, LGUs, NGOs, POs, and other advocates about the latest activities, news, developments and other updates on organic agrixulture.

Go Organic! TV Show

image

The first season of Go Organic! TV was successfully aired in NBN Channel 4 and CLTV Channel 36 (for Central Luzon). Hosted by Ms. Angel Jacob. You can watch Go Organic! TV episodes in this website! Just hover on the Multimedia tab and click TV Program. Enjoy Watching!

Go Organic! Radio Show

image

28 Episodes of Go Organic! Radio was successfully aired on DZRB Radyo ng Bayan 738 khz. Hosted by Mr. Reggie Vizmanos. You can listen Go Organic! Radio episodes in this website! Just hover on the Multimedia tab and click Radio Program. Enjoy Listening!

<< >> Play > Stop

Vermiculture - Paano mag-alaga ng bulate at gumawa ng pataba mula sa bulate PDF Print E-mail

Antonio  and Elizabeth de Castro
Earthworm Sanctuary
 
Maraming iba’t ibang paraan ng pag-aalaga ng bulate at paggawa ng pataba mula sa bulate. Ang sumusunod na pamamaraan ang ginagamit sa  Earthworm Sanctuary sa Tanay,


Simple lamang ito at mura.

Dapat laging isa-isip ang tatlong prinsipyo:

   1.  Ang Inang Kalikasan ang gawin mong guro.
   2. Ang kinakain ng bulate ay ang mga bakterya na  tumutubo sa nabubulok na mga materyales.
   3. Ang matabang lupa ay marami at iba’t ibang uri ng mikro-organismo.


Ang Inang Kalikasan ang gawin mong guro

Ang mga bulate ay isa sa mga pinakamatandang organismo sa balat ng lupa. Walang masyadong pagbabago sa kanila sa loob ng milyon-milyong taon. Kung walang mga bulate, malamang na malaki ang pagkakaiba ng ating daigdig.

Ang pamamaraang ginagamit sa Earthworm Sanctuary ay pagkopya lamang sa pamamaraang ginamit ng Inang Kalikasan sa loob ng milyon-milyong taon.

Ang bulate ay karaniwang matatagpuan sa madilim at basang lugar, kung saan maraming nabubulok na mga bagay tulad ng mga dahon, dayami, damo, pati na dumi ng mga hayop tulad ng baka, kabayo at kalabaw.

Ginagaya ang ganitong pamamaraan sa Earthworm Sanctuary, pero sa mas kontroladong sitwasyon. Ang mahahalagang sangkap ay ito:

1.   Dapat ay maraming materyales na mabubulok. Halos kahit ano pwede, laluna basura mula sa kusina at palengke

2.   Panatilihing medyo basa. Huwag pabayaang matuyo.

3.   Panatilihing malamig ang lugar, may lilim, at may sapat na hangin.

4.   Iwasang may matitipong tubig sa lugar

5.   Protektahan mula sa pwedeng kumain sa bulate, tulad ng manok, palaka at butiki.

Ganyan ang katangian ng sitwasyon sa loob ng gubat, kung saan pag hinalungkat mo ang tumpok ng dahon at nabubulok na materyales, may mga bulate sa ilalim.

Matuto tayo sa Inang Kalikasan

Ang pagkain ng bulate ay mga bakterya na tumutubo sa nabubulok na materyales.

Ang pagkain ng mga bulate ay galing sa mga bakterya at fungus na siyang nagpapabulok sa mga materyales na nabubulok. Hindi ang mga bulate ang nagpapabulok ng mga dahon at damo, kundi ang mga bakterya.

Sa pagdami ng mga mikrobyo, bumibilis ang pagkabulok ng mga materyales, at umiinit ito. Kapag medyo lumamig na ang tumpok, ito na ang panahon para ilagay ang mga bulate sa kompost.

Laging tiyaking medyo basa ang tumpok. Ito’y kailangan ng mga bulate at ng mga mikrobyo. Dahil ang mga mikrobyo ang kinakain ng bulate, hindi into namimili kung anong materyales ang ating gagamitin. Kahit lumang dyaryo, huwag lang nakakalason ang tinta. Kaya gamitin ang anumang meron ka – dayami, dahon at damo, at dumi ng mga hayop.

Pero ang pinakamaganda ay kung iba’t ibang klase ng mga tanim at dumi ng hayop, para halo-halo ang tumpok ng kompos. Ang matabang lupa ay marami at iba’t ibang klaseng mikro-organismo

"Ang lupa ang pakainin, hindi ang halaman. Pakainin ang lupa at ang lupa ang magpapakain sa halaman".

Ito ang kasabihan ng mga gumagamit ng organikong pamamaraan ng pagsasaka. Ibig sabihin na ang susi sa maayos na pagsasaka ay ang matabang lupa. Ang lupa ay dapat buhay na buhay, punong-puno ng napakarami at iba’t ibang klase ng nga mga maliliit na organismo.

Ang paggamit ng NPK ( Nitrogen, Phosphorus, Potassium ) ay may magandang resulta sa una, pero sa pagtagal ay namamatay ang lupa dahil sa sobrang kemikal at langis sa urea. Mahalaga ang NPK para sa mga tanim, pero ito ay pinakamabisa kung kasama ng lahat pa ng ibang mga sangkap ng lupa.

Ang mga mikro-organismo sa lupa ang tumutulong para magamit ng halaman ang NPK at iba pang sustansya. Kahit isang kutsara lamang ng vermicompost na dumi ng bulate ay may milyon-milyong mikro-organismo kasama ng iba’t iba pang hormone, enzyme at regulator ng pagtubo ng halaman. Kaya ang tawag sa vermicompost ay “ang pinakakompletong organikong pataba ng Inang Kalikasan.”

Pag vermicompost ang ginamit mong pataba, muling nabubuhay ang lupa. Sa paulit-ulit na paggamit nito, lalong nabubuhay at tumataba ang lupa. Ang habol natin ay umabot sa sitwasyon na pag dumakot tayo ng lupa sa ating taniman ay may mga bulateng namumuhay dito.

Para maging masustansya ang lupa, gumamit ng iba’t ibang ipakakain sa mga bulate. Gumamit ng mga halamang may nitrogen tulad ng kakawati, ipil ipil, akasya, malunggay, mani, munggo atbp. Makakauha ng potassium sa saging – sa puno, sdahon at balat na pinagtalupan. Ang dumi ng hayop ay maraming nitrogen at phosphorus.

Pag-aalaga ng bulate: Hakbang-hakbang na gabay

Hindi naman kailangang sundin ng istrikto ang mga hakbang na ito. Basta’t alam mo ang mga prinsipyo, pwede mong iangkop sa mas mabisa o mas komportable sa iyo. Sa Earthworm Sanctuary, ang bulateng aming ginagamit ay African Nightcrawlers (Eudrilus eugeniae).

Ang kakailanganin mo ay ang sumusunod:

a. 16 hollow blocks

b. Plastic o plastic na sako. 3 metrong haba  at 1 metrong lapad

c. Lambat na ¼ pulgada ang butas. 3.5 metrong haba at 1.5 metrong lapad

Sundan ang mga sumusunod na hakbang:

1.  Pumili ng angkop na lugar

    
-Dapat ay patag, malilim, at may drainage

     -Kung wala kang malilim na lugar, magtayo ng talukbong

     -Di dapat malapit sa maingay at matagtag na makinarya

2.  Maglatag ng plastik na banig

3.  Ayusin ang mga hollow block na nakapatong sa plastik.

    
-Tatlong hollow block ang lapad at lima ang haba.

     -Hindi kailangan isemento ang mga hollow block, pero kung gusto mong isemento, siguraduhing may lagusan ng tubig (drainage).

4.  Punuin ng kompos hanggang umapaw ang lalagyan.

    
-Gumamit ng halo-halong materyales: dahon, damo, dumi ng hayop, basura sa kusina.

     -Siguraduhing ang kompos ay lampas na sa yugtong mainit pa ito, at mukha nang lupa pero may mga tipak-tipak pang bahagi.

     -Makakatulong na lagyan ng maliliit na sanga para mahanginan.

     -Maaalis ang mga ito pag di na kailangan.

 5.  Kung wala kang kompos, gumawa ka muna ng kompos sa loob ng lalagyan. Tatagal ito ng 2-3 linggo.

    
-Lagyan ng mga materyales na nabubulok, at panatilihing basa at nasa lilim. Pwedeng takpan ng tarpaulin.

     -Huwag ilagay ang mga bulate hanggat di pa lampas sa yugto ng pagiging mainit, at nangingitim na ang kulay at nadudurog na.

 6.  Takpan ang kompos ng tuyong dahon, damo, ipa o dayami para maiwasan ang mga langaw at mabahong amoy.

 7.  Diligin ng husto ang kompos,pero siguraduhing hindi naiipon ang tubig (may drainage).

 8.  Ilagay ang mga bulate sa lalagyan

      -Ang mga bulate ay dapat may kasamang kompos para sa paglilipat o pansamantalang pagtatago

      -Pwedeng magsimula sa isang kilong bulate.

      -Ilagay ito kasama ng kompos sa isang kanto ng lalagyan.

      -Huwag isabog sa buong lalagyan ang mga bulate.

      -Panatilihin silang magkakasama sa kompos.

      -Kusang lilipat sa ibang lugar ang mga bulate pag OK na sa kanila ang ibang materyales sa lalagyan.

 9.   Takpan ang lalagyan ng lambat at lagyan ng pandag-an      

      -Para hindi liparin ng hangin at para di makain ang mga bulate ng manok, palaka, butiki, o iba pang kumakain ng bulate.

 10.  Diligin ang lalagyan kuing kailangan.

       -Ang pinakamagandang gamiting tubig ay galling sa bukal,  ulan, ilog o poso. Kung gagamit ng tubig mula sa gripo, patiningin muna sa lalagyang

      bukas nangbuong araw para mawala ang chlorine.

 11.  Siguraduhing basa ang lalagyan.

       -Huwag pabayaang matuyo. Tingnan 2-3 beses sa isang lingo.

 12.  Pagkatapos ng isang lingo, may makikita kang dumi ng bulate sa ibabaw ng gilid ng lalagyan.

       -Ito ay palatandaang buhay ang mga bulate, kumakain at tumatae.

 13.  Huwag gambalain ang mga bulate.

        -Madaling maapektuhan ang kanilang pagkain at pagpaparami kung laging hinahawakan, at kung maingay sa paligid.

 14.  Pagkatapos ng 2-3 buwan, ang lalagyan ay punong-puno na ng dumi ng bulate at pwede nang anihin.

       -Huwag maghintay hanggang makain ang lahat ng mga materyales at dumi na lamang ng bulate ang natitira. Walang nilalang na gustong mabuhay

      kasama lamang ang kanilang dumi.

 15.  Maghanda ng pangalawang lalagyan.

      
-Ito ay para ihanda ang kompos na paglilipatan ng mga bulate pagkatapos silang ihiwalay sa kanilang dumi sa unang lalagyan.

 

Hit Counter

Content View Hits : 50703

Calendar

<<  July 2010  >>
 Mo  Tu  We  Th  Fr  Sa  Su 
     1  2  3  4
  5  6  7  8  91011
12131415161718
19202122232425
262728293031 

OFSP - QIEC End Project Report

Go Organic! Resource Book


How To's Posters

 

Go Organic on Facebook

Click here to add us as a Friend

Go Organic Blog

Click here to visit our blog
Go Organic! @Wordpress.com